Good news mga kababayan
ZERO Covid 19 case po tayo sa araw ng lunes petsa July 5, 2021.

Per available record ito na ang ika pitong zero covid status ng ating bayan.

Samantala nakapag conduct ng labing walong (18) swab RT PCR at dinala na sa molecular lab ang mga specimen. Ipagdasal natin na ang mga ito ay negatibo. Dalawamput tatlo (23) ang na swab Antigen at dalawa (+2) ang positibo. Ang dalawang ito ay isu swab RT PCR upang malaman kung Covid ba o hindi.

Para sa balita bakuna: magkakaroon ng pre-registration para sa A4 at iba pang klasipikasyon upang hindi magulo ang gagawing pagbabakuna kung sakalit dumating na ang mga bakuna na para sa A4 at iba pa.
Iniaayos na ng munisipyo ang gagamiting online pre-registration at ia announce kung maaari na bang magpa rehistro online para sa bakuna. Manatiling nakaantabay sa ating official page para sa impormasyon at balita.

Ipagpatuloy po natin ang pagiingat.

no images were found