Sa kasalukuyan ay walang lumabas na resultang positibo sa Covid at magandang balita na negative ang ilan natin mga kababayan.

Sa kasawiang palad ay mayroong binawian ng buhay mula sa barangay San Miguel na isang kumpirmadong positibo sa Covid at dati ng may sakit na pasyente na naitalang isang magsasaka, namalengke sa ating pamilihang bayan at lumabas ng Guimba para sa treatment ng kanyang sakit.

Ang ating mga team ay dire diretsong nagsisiganap upang maitransfer ang mga pasyenteng nangangailangang madala sa ospital at dinadala sa Pampanga ang mga swab specimen para maiproseso at ng makatulong sa atin ang resulta.

Pinagiingat po ang mamamayan.
Huwag balewalain ang tagubilin ng pamahalaan sapagkat ang face mask at social distancing na yan ang iyong tanging pananggalan laban sa Covid

Stay safe mga kababayan
#GuimbaKongMahal