Isang masakit at malungkot na gabi na naman po ang bumalot sa ating bayan matapos magpositibo sa Covid ang isa nating kababayan mula sa barangay San Roque 63 years old at sa kasawiang palad ay pumanaw na nuong Sabado. Lumabas ang resulta na nagkukumpirmang sya’y may Covid 19.

Agad namang naisakatuparan ang contact tracing at masinsing inaalam ang lahat ng lugar na kanyang pinuntahan maging ang mga nakasalamuha. Nag schedule agad ng disinfection sa lugar at inihahanda na din ang mga gagamitin katulad ng pagkain at gamot kung kinakailangan ng mga nakakwarantina.Kumikilos ang pamahalaang lokal sa pamumuno ng ating Mayor upang pigilan ang pagkalat ng sakit. Ibayong pagiingat po ang nararapat sa ganitong panahon at pagkakataon.

Sa muli ay pinapaalalahanan ang publiko na parating magiingat sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask, hugas o disinfect ang kamay at dumistansya ng isang metro.