Ikinalulungkot po naming ipaabot sa lahat na may isa na naman po tayong kababayan ang naging biktima ng Covid 19.

Ang bagong kumpirmadong kaso ay mula sa barangay San Rafael, babae, may asawa at pinaniniwalaang nakuha nya ang sakit sa ibang bayan.

Agad na ipinagutos ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang agarang pagsasagawa ng contact tracing, coordination, pagkwarantina ng mga posibleng na expose, disinfection procedure at pagaasikaso ng mga maaaring tulong na maibibigay sa kanila habang nasa kwarantina kasama na ang pagsasagawa ng libreng swab testing upang makasigurong kontrolado ang sakit at hindi na ito kumalat pa.

Ipanalangin po natin ang agarang paggaling ng ating mga kababayan na biktima ng pandemya at palagiang sumunod sa tagubilin ng pamahalaan.

Kinakailangan po nating magingat habang tayo ay nasa labas ng ating bahay o sa mga lugar na ating pinupuntahan. Ugaliing mag MASK, HUGAS, IWAS para sa kaligtasan ng ating pamilya at pamayanan.

MagINGAT po ang lahat
#GuimbaKongMahal