ZERO CASE tayo mga kababayan at malapit na nating maabot ang Covid Free Guimba. Pagsusumikap ng ating RHU sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon katuwang ang mga barangay Officials at mga BHWs/BNS na maibalik sa normal ang ating bayan.

Salamat din po sa lahat ng mamamayan na marunong sumunod sa alituntunin ng pamahalaan. Ang pagiingat at bakuna pa din ang ating pinaka mainam na kalasag laban sa sakit at pandemya.

Umiiral po sa buong pilipinas ang pagsusuot ng face mask at nais naming ipaalala sa mamamayan na ito ay mandatory para na din sa inyong kapakanan.