Tatlo (+3) ang positibong kaso

Mga kaso:
Patient no: 881 age: 38 gender: MALE
address: BRGY TRIALA
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOSPITAL ADMITTED
Empleyado ng Call Ctr. Nagtungo sa Pampanga at Gapan. Wala pang madeterminang exposure

Patient no:882 age: 51 gender: FEMALE
address: ST JOHN
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
Kasambahay. Walang travel history at wala pang madeterminang exposure

Patient no:883 age: 47 gender: FEMALE
address: ST JOHN , GUIMBA NE
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
Kasambahay. Walang travel history at wala pang madeterminang exposure.

Nananatiling mabagal ang ating pagdetermina sa mga positibong kaso dulot ng limitasyon ng pagtanggap ng specimen sa molecular lab. Tanging swab antigen ang ating kinakapitan sa ngayon upang maihiwalay ang mga positibo sa negatibo.

Ang ating disinfection team naman ay mga naka kwarantina matapos na ma exposed sa dalawang kasamahan nila. Kung kayat nagbubuo na ng contingency team upang humalili sa ating mga frontliner.

Nakikiusap ang pamahalaang lokal sa mamamayan na sumunod sa mga patakaran at magingat. Makabubuting manatili sa bahay kung wala namang mahalagang gagawin sa labas. Ang pagiingat ng bawat isa ay katumbas ng pader na maaari nating gamiting kalasag laban sa Covid.