Covid update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid teams.

May pito (+7) po tayong kaso ng Covid
13 ang nag negative at may 7 na recovered.

Si Patient No. 147 ay 24 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, may travel history sa Pampanga at close contact ni Pt. 119. Naka kwarantina na ito simula pa ng maging close contact ni Pt No. 119.

Si Patient No. 148 ay 53 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica at close contact ni Pt No. 119. Nakakwarantina na si Pt No. 148 matapos na mapabilang sa close contact ni Pt No. 119

Si Patient No. 149 ay 18 taong gulang, mula sa barangay Sta Veronica, estudyante at close contact ni Pt No. 119. Nakakwarantina na matapos maibilang sa close contact ni Pt No. 119

Si Patient No 150 ay 16 taong gulang, mula sa barangay Maybubon, estudyante at close contact ni Pt No. 122. Nakakwarantina na simula pa ng mapabilang sa close contact ni Pt No. 122

Si Patient No 151 ay 10 taong gulang, mula sa barangay Maybubon, close contact ni Pt No. 122. Naka kwarantina na simula pa ng mapabilang sa close. Contact ni Pt No. 122

Si Patient No 152 ay 30 taong gulang, mula sa barangay Cavite, nagtatrabaho sa Mandaluyong Metro Manila, umuwi sa Guimba noong March 22 at sinipon ng March 27 bago na swab ng April 1. Lumalabas na nakauwi ito ng Guimba na maaaring dala dala na nya ang sakit. Patuloy na tini trace pa ang kanyang mga ginawa habang nandito sa Guimba.

Si Patient No. 153 ay 67 taong gulang, mula sa barangay San Roque, walang history of travel at nasa bahay lamang. Patuloy na inaalam ng contact tracing team kung saan nya ito nakuha o kung sino ang nakapaguwi ng sakit sa kanilang bahay. Sya ay admitted na sa isang pribadong ospital.

Dire diretao pong isinasagawa ng pamahalaan ang pagdisinfect sa mga lugar na pinuntahan habang isinasaayos ang mga pagkain suporta para sa kanila base sa resulta ng tracing team.

Nakabalik na ang ating mga kababayang sina:
Pt No. 105 Tampac
Pt No. 106 Caballero
Pt No. 109 Tampac
Pt No. 110 Tampac
Pt No. 112 Tampac
Pt No. 113 Bantug
Pt No. 115 Sta Veronica
Sila ay nadeklara ng recovered ayon DOH recovery and discharge criteria.

Ingat po ang lahat
Parati pong ireport ang inyong mga nalalaman
Tulong tulong nating lampasan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng panalangin at pagsunod sa minimum public health protocol/standard