Apat (+4) ang naitalang kaso ng Covid sa ating bayan ngayong araw petsa Abril 8, 2021. Samantala, 28 na close contact ang isinailalim sa swab test.

Si Patient No. 143 ay 48 taong gulang, mula sa barangay Sto Cristo, nagtatrabaho sa NIA at may history of travel sa Cabanatuan. Inaalam pa ang kaugnayan ng kanyang kaso sa iba pang nagpositibo sa NIA habang patuloy na isinasagawa ang malalimang contact tracing.

Si Patient No. 144 ay 42 taong gulang nakatira sa barangay Sto Cristo, kabiyak ni Pt No. 143. May history of travel sa Cabanatuan.

Si Patient No. 145 ay 19 taong gulang anak ni Pt 143 at 144 mula sa barangay Sto Cristo. May history of travel sa Cabanatuan.

Si Patient No. 146 ay 33 taong gulang mula sa barangay Caingin Tabing Ilog, nagtatrabaho sa ibang bayan at may history of travel sa Mabalacat at Clark sa lalawigan ng Pampanga. Sya ay na expose sa isang covid positive sa lugar na kanyang pinupuntahan.

Agad na ipinagutos ng ating Ama ng Bayan na madaliin ang contact tracing upang agad na maipailalim sa kwarantina ang mga close contact. Ikinasa agad ang schedule ng disinfection.

Kagyat na hakbang ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng IATF Guimba na pansamantala munang isara ang dalawang opisina ng NIA sa ating bayan.

Pagdating sa balita
Dito lang sa ating official page maniwala.
I like and follow po natin para updated kayo sa lahat ng kaganapan sa ating bayan
#GuimbaKongMahal