Covid 19 update mula sa ating bantay kalusugan bantay covid teams

Tatlong(+3) positibo ang naitala ngayong araw:

Si Patient No. 140 ay 30 taong gulang mula sa barangay Balingog West at nagtatrabaho sa NIA. Dumalo sa isang seminar na ginanap sa Pantabangan at naging close contact ni Pt No. 126. Kasalukuyan syang naka kwarantina sa isang pasilidad at patuloy na inaalam na ang kanyang mga nakasalamuha habang isinasaayos naman ang disinfection at iba pang maaaring maitulong ng pamahalaang lokal.

Si Patient No. 141 ay 20 taong gulang mula sa barangay Pacac, walang trabaho at close contact ni Pt No. 123. Naka kwarantina na buhat ng matukoy na close contact ni Pt No. 123.

Si Patient No. 142 ay 61 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang history of travel at kasalukuyang dinidetermina kung saan nya ito nakuha. Inilagay na sa kwarantina ang mga napagalamang close contact ng ating biktima upang hindi na kumalat pa ang sakit.

Ang ating Mayor ay nagutos na sa bantay covid na isaayos na ang kanilang pagkain at iba pang pangangailangan na maaaring matugunan gayundin ang pagkalap ng iba pang impormasyon upang malaman lahat ng kanilay nakasalamuha. Ikinasa na ang disinfection ng mga lugar.

Nakapag swab ng labing dalawang (12) close contact bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaang lokal na mapigilan ang virus.

Nakabalik na ang ating kababayang si Pt No. 107 ng barangay Bunol matapos na maideklarang recovered base sa DOH recovery and discharge criteria.

Para sa bayan at mamamayan
#GuimbaKongMahal

COVID-19 Update as of April 6, 2021 photo