Apat (+4) na positibo ang naitala ngayong araw habang nag negatibo naman ang isa nating pending ang resulta. Isa lamang ang na swab sa araw na ito at magpapatuloy ang pag swab sa mga susunod na araw habang diniditermina ang lahat ng close contact ng ating mga biktima ng covid.

Si Patient No. 123 ay 55 taong gulang isang driver may history of travel sa Cabanatuan at nagmula sa barangay Pacac. Sya ay admitted na sa isang ospital sa Tarlac. Naka kwarantina na ang kanyang mga nakasalamuha subalit patuloy pa din ang contract tracing sapagkat may mga dapat pang imbestigahan at nabinbin lamang dahil walang pasok at walang makuhanan ng impormasyon.

Si Patient No. 124 ay 22 taong gulang walang trabaho at may history of travel sa Cabanatuan nagmula sa barangay Pacac. Sya ay close contact ni Pt No. 123 at kasalukuyang naka kwarantina sa isang bahay. Ang kanyang mga close contact ay isinama na sa kwarantina

Si Patient No. 125 ay 27 taong gulang nagtatrabaho bilang institutional worker at may history of travel sa Cabanatuan nagmula sa barangay Pacac. Sya ay close contact ni Pt No. 123. Sya ay admitted sa isang ospital sa Tarlac. Naka kwarantina na ang kanyang mga close contact at patuloy pa din ang pagdetermina ng iba pang nakasalamuha.

Si Patient No. 126 ay 25 taong gulang nagtatrabaho sa NIA Guimba at may history of travel sa Pantabangan, Talavera at Cabanatuan. Sya ay tiga barangay Manacsac at kasalukuyang naka kwarantina sa isang isolation unit. Nakuha nya ang sakit sa nagtatrabaho din sa NIA na nasa ibang dibisyon.

Ang mga biktima at kanilang mga close contact na walang kakayahan ay inaasikaso ng mapadalhan ng pagkain at pangangailangan. Ipinagutos din ng ating Mayor na madisinfect ang kanilang mga lugar kasama na ang pagtitiyak na makita lahat ng close contact upang maikwarantina.

Ipanalangin po natin ang kanilang paggaling kasama na ang iba pang aktibong kaso.

Ingat po ang lahat.

Tandaan:MASKHUGASIWAS Para sa kaligtasan ng inyong sarili at mga mahal sa buhay. #GuimbaKongMahal

COVID-19 Update as of April 2, 2021 photo