Covid 19 update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid teams

Mayroon tayong sampu (10) na positibong kaso at isang (1) Negatibo ngayong araw.

Si Patient No. 155 ay 63 taong gulang mula sa barangay Sinulatan may history of travel sa Talavera at Cabanatuan. Patuloy na inaalam kung saan nya ito nakuha. Na admit sa isang ospital subalit dahil wala ng mapaglagyan sa Covid area ay pinauwi upang sa bahay na magpagaling.

Si Patient No. 156 ay 41 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong may history of travel sa Cabanatuan at Tarlac, close contact ni Pt No. 137 naka kwarantina na matapos masawi si Pt No. 137

Si Patient No. 157 ay 59 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, may history of travel sa Cabanatuan at Tarlac, close contact ni Pt No. 137. Naka kwarantina na simula pa ng bawian ng buhay si Pt No. 137

Si Patient No. 158 ay 43 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, may history of travel sa Cabanatuan at close contact ni Pt No. 137. Naka kwarantina na simula pa ng bawian ng buhay si Pt No. 137

Si Patient No. 159 ay 18 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, walang history of travel at close contact ni Pt No. 137. Naka kwarantina na simula pa ng bawian ng buhay si Pt No. 137

Si Patient No. 160 ay 36 taong gulang mula sa barangay San Roque at kasalukuyang naka kwarantina sa barangay Cawayan Bugtong, close contact ni Pt No. 137.

Si Patient No. 161 ay 21 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, close contact ni Pt No. 137, namamasukang trabahador at kasalukuyang naka kwarantina.

Si Patient No. 162 ay 8 taong gulang mula sa barangay San Roque, close contact ni Pt No. 137 At kasalukuyang naka kwarantina sa barangay Cawayan Bugtong

Si Patient No. 163 ay 23 taong gulang mula sa barangay St John, walang history of travel at walang makitang exposure maliban kay Pt No. 164.

Si Patient No. 164 ay 41 taong gulang mula sa barangay St John, may history of travel sa Talavera at Cabanatuan. Inaalam pa kung saan nya ito nakuha at relasyon ng pagkakasakit ni Pt No. 163.

Ang mga biktima mula sa barangay Cawayan Bugtong ay napag alamang naghalinhinan sa pagbabantay at pagsama kay Pt No. 137 habang naghahanap ng ospital hanggang sa ito ay ma admit. Naging mahirap sa mga kaanak ang naging sitwasyon kung saan wala talagang mapuntahang ospital na may kakayahan at pasilidad para sa mga pasyenteng nangangailangan ng ICU at Covid Isolation mula Cabanatuan hanggang Tarlac. Inabot ng 2 araw ang paghahanap hanggang sa ito ay maadmit kung kayat marami na sa mga kaanak ang naging close contact. Nakaalalay naman ang RHU team sa kanilang pamilya habang nakakaranas ang buong lalawigan, iba pang lalawigan maging ang NCR ng kakapusan para sa pasilidad o ospital. Naroon ang team kasama nila habang nakapila sa swab sa Tarlac at pila bago ma admit sa Cabanatuan. Hinding hindi namin sila iniwan sa kanilang paghihirap.

Nais naming ipakita sa lahat na seryosong usapin ang Covid.
Seryosong usapin ang kakapusan sa ospital para sa mga biktima ng covid
Seryosong panawagan ang pag iwas sa sakit.
Malalaman lamang natin siguro ang lahat ng ito kung tayo na siguro ang daranas sa naging kalagayan ng mga biktima ng Covid. Hahayaan ba nating mangyari ito? Na maaari namang hindi kung susunod lamang ang lahat sa mga tagubilin ng lokal na pamahalaan.

Sa bahagi ng pamahalaang bayan sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, hindi kami kailanman umaatras sa laban subalit higit naming kailangan ang suporta at pagkakaisa ng mamamayan upang ating mapagtagumpayan ang trahedyang ito. Ipanalangin natin ang ating mga kababayang biktima ng sakit. Tulungan natin silang umahon sa ganitong masaklap na kalagayan.

Masakit na kabanata sa buhay ng ating mga kababayan. Masakit na bahagi ng kasaysayan ng ating bayan sa panahon ng pandemya.