Dalawang (+2) positibo ang natanggap na resulta sa araw na ito. Sa labing limang na swab nuong isang araw, labing tatlo (-13) ang negatibo, isa (+1) ang positibo habang ang isa ay pending pa din. Ang isang positibo ay hindi munisipyo ang nagsaayos at naidagdag lamang sa ating bayan.

Si Patient No. 121 ay 44 taong gulang tauhan ng barangay at close contact ni Pt No. 111 na nasawi kamakailan lamang. Sya ay mula sa barangay San Roque at nakakwarantina na simula pa ng magpositibo si Pt No. 111. Patuloy na padadalhan ng Munisipyo ng pangangailangan ang pamilya ng biktima sapagkat nadagdagan muli ang araw ng kanyang kwarantina.

Si Patient No. 122 ay 47 taong gulang mula sa barangay Maybubon at close contact ng isang nagpositibo sa covid na hindi tiga Guimba. Sya ay isang alagad ng batas na naka assign sa labas ng ating bayan. Kasaluluyan syang naka kwarantina sa bahay habang isinasaayos ang pasilidad na pagdadalhan sa kanya. Isinasagawa ang contact tracing, kinokoordina at kinakwarantina na ang lahat ng close contact na kanyang nakasalamuha o mataas ang exposure.

Nakabalik na si Pt No. 100 ng barangay Lamorito matapos madeklarang recovered ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Patuloy po tayong magingat sapagkat marami pa din ang dumadating sa ating bayan at ang iba dito ay hindi agad naiuulat sa monitoring o hindi dumaan sa BHERT. Paulit ulit po naming hinihikayat ang lahat na magreport sa BHERT upang madali nating matukoy, mabilis ang ating pagtugon at mapipigilan natin ng maaga ang pagkalat ng sakit.

Mag suot ng face mask at face shield (MASK)Magsanitize ng kamay (HUGAS)Dumistansya ng isang metro (IWAS)Iligtas natin sa virus ang ating mahal sa buhay.

#GuimbaKongMahal