Ikinalulungkot po naming ibalita na may isa na namang kababayan natin mula sa San Roque ang nagpositibo sa Covid matapos diumano na mahawa sa kanyang kasamahan sa trabaho. Ang biktima ay isang lalaki na namamasukan sa ibang bayan.

Agad na ipinagutos ng ating Mayor Jose Boyong Boyong ang agarang contact tracing na naisumite ang resulta kagabi. Naikasa na ang disinfection sa kanyang lugar at nakikipagkoordina na ang Municipal Health Officer sa mga kaanak para sa kinakailangang pagkain habang naka kwarantina at naipaabot na ang balita sa lugar kung saan posible syang nahawa upang makapagsagawa din sila ng kaukulang aksyon.

Ating ipanalangin ang kanyang agarang paggaling habang naka isolate na sa isang bahay at minomonitor na ng team mula sa BHERT at RHU.

Manatili tayong kalmado sapagkat ginagawa ng pamahalaan ang lahat sa pamumuno ng ating Ama ng Bayan upang makasiguro na wala ng mahahawa pa ang ating biktima.

Kahapon din ay nabigyan na ng kaukulang discharge clearance ang ating pasyente bilang 66 mula sa barangay Cavite ayon sa DOH discharge and recovery criteria.

Marapat lamang na tayo ay higit na mag ingat lalo na kung tayo ay nagtutungo sa ibang bayan upang hindi natin maiuwi ang nakamamatay na sakit. Mag MASK, HUGAS, IWAS tayo mga kababayan at sa awa ng Dyos sabay sabay natin itong malalampasan.

#GuimbaKongMahal