Napaka palad na pagkakataon na walang balitang nagpositibo sa ating bayan ngayong araw na ito o wala kaming natatanggap na resulta.

Labing pito ang isinailalim sa swab test at agad na dinala sa processing center upang malaman kinabukasan sa pinaka mabilis na paraan ang resulta.

Patuloy po tayong mag ingat at walang sawa naming binabanggit na ang covid kapag tumama sa walang protection (walang face mask, walang face shield at hindi marunong dumistansya) siguradong huli na ang inyong pagsisisi.

Makipagtulungan po tayo. May pulis po sa compact sa gawing palengke, compact sa gawing Catman at sa sentro malapit sa plaza na maaari nyong sumbungan kung may mga taong ayaw sumunod sa patakaran. Nariyan din po ang ating mga barangay officials.

Ang sama sama nating pagkilos at sama samang paglaban sa Covid 19 ang maghahatid satin sa tagumpay na makahulagpos sa pandemya.