Isa (+1) na naman pong kababayan natin ang nagpositibo sa isinagawang swab test ng labing isang close contact. Siyam (-9) ang negative at isa (1) ang pending result.

Si Patient No. 95 ay isang ginang na 39 years old mula sa barangay San Miguel. Close contact sya ni Pt. No. 90. Sya ay naka kwarantina na bago pa ma swab si Pt. No. 90 at kasaluluyang minomonitor ng BHERT.

Lima (5) naman ang naka recover na mula sa barangay San Roque bilang Pt. 74, 75, 76, 77 at 78. Salamat sa pagpapala ng ating Dyos at sila ay nakabalik na bilang recovered ayon sa DOH discharge and recovery criteria.

Ipanalangin po natin ang agarang paggaling ng ating mga kumpirmadong nagka Covid 19 at marapat lamang na sila ay huwag nating idiskrimina sapagkat sila ay mga biktima ng pandemya. Magsasagawa ang pamahalaang lokal ng community dialogue kung saan ipapaliwanag namin sa komunidad na ang mga biktima ay hindi dapat katakutan at kinakailangan nila ang ating suporta at panalangin upang malampasan nila ang pagsubok na ito.

Narito ang iba pang detalye:

March 10, 2021

I. CONFIRMED POSITIVE: 95
>Admitted : 2
>Home Quarantine : 13
>Facility Quarantine: 4
>Recovered : 70
>Died: 6

II. SUSPECT: 4
>Admitted: 1
>Home Quarantine: 2
>Facility Quarantine: 0
>Died: 1

III. PROBABLE: 0
>Admitted: 0
>Home Quarantine: 0
> Died: 0

CURRENT PUMs: 22

Manatili po tayong kalmado at nagiingat
Mayroon tayong pamahalaang ginagawa ang lahat upang mapanatiling ligtas ang ating pamayanan.

#GuimbaKongMahal