Isang (1+) kababayan natin ang nagpositibo sa Covid, labing apat (14-)ang negative at tatlo (3) ang pending result. Ito ang kabuuang labing walong (18) na swab kahapon ng ating medtech mula sa RHU.

Si Patient No. 94 ay 60 taong gulang mula sa barangay Galvan nagtatrabaho sa palengke at pinaniniwalaang close contact ni Pt No. 72.

Bagamat naka kwarantina ay muling nag close contact ang ating team upang masigurado na ang mga nakasalamuha ni Pt No. 94 ay maipapaloob agad sa kwarantina.

Habang patuloy na isinasagawa ang contact tracing, pagmonitor, pag asses sa kanilang kalagayan upang mabigyan ng pagkain, gamot at iba pang kailangan ay kasabay ding isinasagawa ang disinfection ng kanilang lugar at mga lugar na posibleng kanyang napuntahan.

Mulit muli ay aming hinihiling ang kooperasyon ng lahat. Sumunod po tayo sa minimum health standard (MASK, HUGAS, IWAS) at huwag nating idiskrimina ang mga biktima ng Covid.

Ipanalangin po natin ang agaran nilang paggaling.

#WeHealAsOne#GuimbaKongMahal