Base sa ulat ng MHO at MESU ay isang ginang na 55 taong gulang mula sa barangay Pasong Inchik ang nagpositibo ngayong araw habang ang ibang kasabayang na swab ay negative.
Ang ating pasyente Pt No. 89 ay nahawa sa kanyang asawa na si Pt 81. Itinakbo kanina si Pt No. 89 sa ospital.

Nagbabalik naman si Pt No. 68 matapos na madeclare na recovered base sa recovery and discharge criteria ng DOH.

Inaabangan papo natin ang resulta ng marami pang specimen na dinala ng ating medical/Covid response team sa Pampanga.

Sapagkat hindi biro ang dulot ng sakit na ito ay aming hinihiling sa mamamayan ang pakikiisa sa pamahalaan. Saka napo tayo magreklamo kapag wala napong pandemyang lumulukob sa ating bayan. Sa ngayon kailangan po munang suportahan ang bawat hakbang ng pamahalaan sapagkat para po ito sa inyong kaligtasan.

Sumunod po tayo
#WeHealAsOne
#GuimbaKongMahal

Covid19 update as of march 1, 2021