Pumalo na sa mahigit apat na libo ang bagong kaso sa araw na ito sa buong kapuluan.

3,279 ang naitala sa Metro Manila na papaloob muli sa alert level 3 simula January 3 to 15 at 252 naman ang mula sa Central Luzon.

Ang dalawang lugar na ito ay critical para sa ating bayan sapagkat marami tayong kababayan ang nagtutungo sa Metro Manila at mga karatig probinsya at bayan sa Central Luzon.

Mahigpit po naming minomonitor ang sitwasyon lalo pat nakaamba ang banta ng Omicron at Delta Variant na lubhang napaka delikado at mapamuksa.

Ingat po mga kababayan.