Panauhing pandangal ang ating ama ng bayan Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa pasinaya at inagurasyon ng bagong gusali ng ating Lokal na BFP.

Kasabay nito ang pormal na paghahandog ng isang dagdag na sasakyang pamatay sunog.Hamon ng ating Mayor sa pamunuan at mga tauhan ng BFP na higit pang pagibayuhin ang kahandaan at nakikita naman nya ang pagsisikhay ng lokal na istasyon ng pamatay sunog na makatugon sa pinaka mabilis na paraan sa mga nasusunugan maging ang iba pang pangangailangan ng pamahalaang lokal.Pagtutulungan ng LGU Guimba at Local BFP bilang partners sa pagpapanatili ng ligtas at payapang pamayanan tungo sa higit pang maunlad na bayan.