Maaari napong magparehistro ang mga nasa hustong gulang maliban sa 20 pababa at 60 pataas sapagkat ipinagbabawal na lumabas alinsunod sa umiiral na quarantine guidelines.

Ayon sa local na COMELEC sa ating bayan:
1. Bukas ang kanilang opisina martes hanggang sabado alas otso (8:00)ng umaga hanggang alas tres (3:00) ng hapon para sa rehistrasyon
2. Mandatory po ang pagsusuot ng face mask
3. Bawal ang 60 pataas at 20 pababa. Hindi din po kayo makakapasok sa kanilang tanggapan
4. Tanging mga balidong ID lamang ang tinatanggap katulad ng:
A. passport
B. Senior,
C. PWD
D. Driver’s license
E. PRC
D. NBI Clearance
F. SSS/GSIS
G. Company ID
H. Postal ID

5. Para sa mga pagbabago ng pangalan o detalye sa naunang rehistrasyon dalhin ang sumusunod:
A. Birth certificate
B. Marriage contract or court order
C. Cenomar

Lokasyon: Nasa likurang bahagi ng munisipyo.

Ang mga nabanggit na edad na hindi pinapahintulutang lumabas at magparehistro ay maghihintay sa pasya ng Comelec En Banc upang mabigyan ng pagkakataon na marehistro para sa darating na halalan.