Makabuluhang pagkilos para sa kalinisan at kagandahan ng buong pamayanan.

Sa panghihikayat ng Ama ng Bayan, Jose “Boyong Boyong” Dizon at sa taus pusong pagsuporta ng mga Punong Barangay sa mga magagandang adhikain ng pamahalaang bayan, halos magkasabay na kumilos ang mga mamamayan ng Barangay Culong, Partida II, Macatcatuit, Sta. Cruz at Pasong Inchik upang isagawa ang clean up drive sa buong paligid ng kani-kanilang komunidad. Layon ng naturang pagawain na maging malinis at ligtas ang kanilang mga lugar laban sa mga sakit na dala ng maruming kapaligiran lalo pa ngayon na ang buong bayan ay nahaharap pa rin sa banta ng COVID at maging ng dengue.

Sa kahalintulad na gawain, ang mga benepisyaryo ng TUPAD DOLE sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan, ay nag-umpisa na rin sa kanilang mga gawaing pang kalinisan. Naumpisahan na itong gawin sa Balingog East, Bunol at Maturanoc at inaasahang sa mga susunod na araw ay kikilos na rin ang lahat ng TUPAD teams sa iba pang barangay upang tumalima sa atas ng tungkulin.

Habang pagtatanim naman ng iba’t-ibang gulay sa mga bakanteng lote sa barangay ang pinasimulan sa Barangay Consuelo at Pasong Inchik upang isulong ang produktibong gamit ng ating mga luPa at masiguro ang masustansiyang pagkain para sa ating mga kabarangay.

Hatid na serbisyo para sa bayan ng TUPAD at mga pamunuan sa barangay, tiyak na maaasahan.

Salamat po sa inyong pagsuporta sa mga programang pang kalikasan at sa mga gawaing magpapasulong sa ating Bayan.

#BayangMayDisiplina 👌
#SulongGuimbaKongMahal 💚