Ang mga frontliners na mula sa hanay ng PNP, BFP at Barangay Task Force ng Manggang Marikit at Banitan ay walang tigil sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan at panatilihing ligtas ang buong pamayanan ng Guimba sa banta ng Pandemya COVID 19.

Sa lahat ng araw at pagkakataon, ang kanilang pagsasakripisyo ay naghahatid ng kapayapaan at kapanatagan ng isip sa ating mga kababayan, sapagkat nakakatiyak tayong walang makakapasok na sinumang lumabag sa mga safety protocols na patuloy na pinaiiral ng Municipal IATF.

Ang pagunawa at pakikiisa ng madla ay tunay na kinakailangan upang masuklian natin Ang kanilang kagandahang loob.

Isang taus pusong pasasalamat sa mga bagong bayani ng ating panahon.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚