Mga magigiting na mandirigma mula sa hanay ng PNP, BFP at Barangay anti COVID task force na buong tapang na humaharap sa hamon ng pandemya matiyak lamang ang kaligtasan ng madla. Ito ang araw araw na ipinapamalas ng mga tropa na nakadestino sa mga border control checkpoints ng Brgy. Banitan at Brgy. Manggang Marikit. Hindi alintana ang panganib habang patuloy sa pagmamasid at pag usisa sa mga sasakyan na papasok sa ating Bayan.

Sa mga manlalakbay, tiyakin po nating kumpleto ang dala dalang papeles na magpapatunay na Kayo ay COVID FREE.
Sa gayong paraan ay hindi lamang po Kayo makakaiwas sa abala o pagkabalam, bukod pa dun ay ang kaligtasan ng buong pamayanan.

Salamat sa mga frontliners sa pagpapadama ng tunay na malasakit.
Ang Pamahalaang Bayan at ang mga mamamayan ay hanga sa inyong katapatan.

#FightCOVID
#WeHealAsOne
#GuimbaKongMahal