Ang patuloy na pagbabantay sa loob ng 24 oras kada araw ng PNP, BFP at Barangay frontliners sa mga border control points, partikular sa Brgy. Manggang Marikit at Brgy. Banitan ang siyang unang pananggalang upang mapanatiling ligtas sa Covid ang ating bayan kung sakali man na may mga pasaway na ayaw sumunod sa mga itinakdang safety protocols.

Ang mga biyaherong nagmumula sa Ibang lalawigan o rehiyon ay kailangang may dalang mga kaukulang papeles tulad ng:
1. Travel Authority
2. Health certificate/clearance
2. LGU letter of acceptance
3. iba pang kaukulang dokumento na magpapatunay na sila ay pinahihintulutang makapasok sa ating bayan.

Pinapaalalahanan po ang publiko na pagibayuhin ang pag-iingat para na rin po sa ating kaligtasan laban sa COVID.

Salamat po sa mga frontliners, ang mga bagong bayani ng ating panahon.

#BayangMayDisiplina 👌
#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚