Anumang hirap at pasakit ang dinaranas dahil sa matagal na pagkawalay sa kani-kanilang pamilya, ang ating mga frontliners na mula sa PNP, BFP at Barangay Anti Covid task force ay patuloy pa rin sa pagpapatrulya at pagbabantay 24/7 sa dalawang lagusan papasok at palabas ng ating bayan, Brgy. Manggang Marikit at Brgy. Banitan upang tiyakin na hindi kailanman makakapasok ang virus na maaaring madala ng mga biyahero na walang kaukulang papeles na sila ay COVID FREE.

Bunga ng kanilang tiyaga at pagsisikap ay ang katiyakan na hindi malalagay sa panganib at kapahamakan ang buong pamayanan ng Guimba Kong Mahal.

Maraming salamat po sa ating mga frontliners na walang sawang magpadama ng tunay na malasakit sa kapwa. Kailanman ay hindi po namin makakalimutan ang inyong kabayanihan.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚