Dahil kapos ang alloted na binhi para sa ating mga magsasaka kung kayat humiling ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa pamamagitan ni MAO Nida Lanuza ng karagdagang binhi kahit na ito ay walang kasama o katumbas na pataba.
Ang mahalaga mabigyan ng binhi ang ating mga farmers lalo pat lubhang naapektuhan ng bagyong Karding.
Nakakuha ng inbred na aabot sa 4000bags na tig 20 kilos at hybrid na 4000bags bilang karagdagan sa bilang ng naibabang binhi para sa ating bayan. Munisipyo napo ang humakot sa mga binhi at 1st week ng November po ipapamahagi upang maagang maibigay sa mga magsasaka.
Serbisyong may pagmamalasakit at ginagawa ang lahat upang tulungan ang ating mga kababayan.