Mga kawani ng BFP at PNP sa ilalim ng pamumuno ni SF04 Roberto S. Lopez at PLTCOL Kevin T. Bulayungan nagsagawa ng training/seminar tungkol sa DOH Bida Solusyon at ELCAC. Nagkaroon din ng pamumudmod ng information flyers bilang kampanyang nagbibigay ng impormasyon sa mamamayan.

Ito ay bahagi ng patuloy na pagbibigay kaalaman sa ating mga barangay officials ng tamang pagsunod sa mga giya at patakaran gayundin ang paglilinaw sa mga atas na gawain at responsibilidad na nakapaloob sa mga takdang programa.

Isinagawa sa barangay Sto.Cristo Guimba Nueva ecija.
#BidaSolusyon
#ELCAC
#SulongKabarangay
#GuimbaKongMahal