Ika-2 ng Setyembre, araw na deklaradong fiesta opisyal dahil sa paggunita ng 124th makasaysayang “Unang Sigaw ng Nueva Ecija”

Ngunit tulad ng dati, ang mga kaanib ng BDTF ay walang gatol sa pagtupad sa kanilang tungkuling pangalagaan ang seguridad at kaayusan sa mga pangunahing daan at pampublikong lugar sa ating bayan.

Ito ang patunay na ang alab ng pag-ibig sa bayan at sa kapwa ay patuloy pa ring nagniningas sa puso at diwa ng mga NOVO ECIJANO, at sa makabagong panahon ay nasa anyo ng katapatan at dedikasyon sa paglilingkod.

Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon, taglay mo ang puso at diwa ng isang magiting na NOVO ECIJANO, salamat po sa paglikha ng BDTF, mga bagong Bayani ng ating panahon .

#BayangMayDisiplina 👌
#SulongGuimbaKongMahal 💚