Unang araw ng Ber months, hudyat sa papalapit na kapaskuhan at kabi kabilaang kasiyahan sa lahat ng sulok ng bansa, ang BDTF ay lalong nagsisikap at nagpupunyagi na ilayo at iligtas sa panganib ang mga kababayan na dumadaan sa mga pangunahing kalsada at sa mga nagtutungo sa mga pampublikong lugar.

Bagamat nananatili pa rin ang pagbabadya ng panganib na dulot ng COVID 19 pandemic, ang takot at pangamba ay naiibsan dahil sa tulong at malasakit ng mga Kabalikat ng Bayan, na hindi kailanman titigil sa pagganap sa tungkuling pangalagaan at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Naibalik na sa mas maluwag na MGCQ status ang buong lalawigan ng Nueva Ecija, ngunit hindi ito nangangahulugan na magiging maluwag din ang pagbabantay ng BDTF, bagkus ay paiigtingin pang lalo ang kampanya laban sa mga pasaway, sapagkat mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ng nakararami.

Katapatan sa sinumpaang tungkulin at tunay na pag-ibig at malasakit sa mamamayan, ito ang nakikita at nararamdaman sa ilalim ng pamumuno ng Ama ng Bayan, Jose “Boyong Boyong” Dizon na siya ring nag PANDAY at humubog sa BDTF upang maging mga tunay na KABALIKAT ng Guimba Kong Mahal.

#BayangMayDisiplina 👌
#SulongGuimbaKongMahal 💚