Sabay sa pagsilay ng haring araw ay ang pagdagsa ng mga tao sa ibat ibang lugar ng kabayanan para sa Kani kanilang pakay.

Ang mga kalsada ay muling mapupuno ng mga sasakyan at madalas ay maoobserbahan ang samut saring paglabag sa batas trapiko at sa mga umiiral na ordinansa, maging ng safety protocols ng municipal IATF.

Malaking bagay ang ginagawa ng mga KABALIKAT ng bayan mula sa BDTF, Traffic personnel, BPLO at mga kagawad ng kapulisan upang matiyak na ang tamang disiplina ay naisasakatuparan. Walang duda, napakaganda ng naging resulta.

Ito ang bunga ng pagsisikap ng ama ng bayan Jose “Boyong Boyong” Dizon na ipatupad ang tamang disiplina para na rin sa kapakanan ng madla.

Ipagpatuloy po natin ang magandang simulain na Ito para sa ginigiliw nating bayan.

Sulong Guimba, kayang kaya kapag sama sama.

#BayangMayDisiplina
#GuimbaKongaMahal