Sabay sa pagsilay ng bagong umaga, nakahanda na rin ang buong tropa sa panibagong araw ng pagharap sa mga hamon.

Binabantayan ang mga pangunahing kalsada, pinapaalalahanan ang publiko ukol sa mga IATF health protocols, inaalam ang mga posibleng paglabag sa mga batas at ordinansang pang trapiko at dumadalo sa mga biglaang pangangailangan ng mga kababayan.

Mula ng binuo ang grupo, nakatulong sila ng malaki sa paglutas sa mga pang araw araw na problema sa trapiko. Sa kasalukuyan ay napaka aliwalas ng daan at wala nang mga naghambalang na sasakyan sa road shoulders, naipapatupad ang IATF protocols at kaagad nadadaluhan ang mga biglaang pangangailangan ng mga kababayan.

Malasakit at pagkalinga ng Ama ng bayan Jose “Boyong Boyong” Dizon tunay na nararamdaman ng buong pamayanan.

#bayangmaydisiplina
#sulong Guimba, kayang kaya kapag sama sama