Pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan
para sa malinis na pamayanan at pagsugpo sa Dengue na sumasalakay at bumibiktima sa ating mga kababayan.
Barangay Sta Lucia, Galvan, Nagpandayan, Manacsac, St John, Maturanoc, Manggang Marikit, Pasong Inchik at Yuson ay ilan lamang sa mga barangay na nagsasagawa ng weekly clean up drive. Dire diretsong pagbabayanihan sa ating bayan. Naway samahan po ng mamamayan ang “Linis Bayan” sa kanilang lugar kahit man lang sa kanilang tapat at bakuran.
Isulong natin ang disiplina
Pigilan ang maling pagtatapon sa kalsada
Ugaliing magbayanihan para sa pangangalaga ng kalikasan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng ating bayan.