Sa bayan ng Guimba
Nagbabayanihan ang magkakabarangay.
At sa bawat pagtutulungan nabubuo ang magandang samahan.
Sama na kabayan
Sinupin ang pamayanan
Para din naman ito sa lahat
Ng ang Dengue at mga sakit ay maiwasan.
Binibigyang babala po ng pamahalaang lokal ang mga nagtatapon ng basura sa kung saan saan. Kapag nahuli siguradong iiyak ka sa laki ng multa. Maging responsable po tayo sa pagtatapon ng basura dahil may mga CCTV na maaaring sayo ay makakita bukod pa ang kahihiyang iyong makukuha kung ilalagay ka sa facebook na maling pagtatapon ng basura.
Dahil sa minamahal nating bayan ng Guimba ang mamamayan ay may disiplina.