Sama na kabayan!!
Linguhang paglilinis ng mga barangay:
Manggang Marikit, San Miguel, Calem, Culong, Bagong Barrio,Maturanoc, Macamias, Yuson, Banitan, Guiset, Sta Veronica, Pacac, Bulakid at Manacsac ang isinasagawa.
Pakikiisa upang ang bawat komunidad ay maging malinis, payapa at ligtas.
Naway samahan ninyo ang inyong mga barangay officials sa kanilang paglilinis.
➡️Walang dengue kung naglilinis ng kapaligiran at tapat ng bakuran
➡️Walang dengue at iba pang sakit kung tuturuan ang mga bata na itapon ang pinagkainan sa basurahan
➡️Magiging maayos ang mga daluyan ng tubig kung walang magtatapon sa kalsada, kanal at ilog
➡️Maiiwasan ang pagbaha kung sinisinop ang basura na syang bumabara sa mga daluyan ng tubig
➡️Magiging kaunti ang basura kung paghihiwalayin ang nabubulok at hindi nabubulok
Matuto sana tayong sumunod sa tama upang ang inyong pamayanan ay maging kaaya aya.