Pasasalamat ang ipinaabot ng ating Ama ng Bayan, Mayor Boyong Boyong Dizon sa mga Punong Barangay at Sangguniang Barangay sa pakikiisa sa programang pangkalinisan ng Pamahalaang Bayan. Makikita sa mga larawan ang isinagawang paglilinis at paghahakot ng basura sa Barangay Cawayang Bugtong, Sta. Cruz, San Roque, Triala at Culong.

Sa mga susunod na araw ay mas lalong paiigtingin ang mga programang mangangalaga sa ating kalikasan kung kaya mahigpit nating ipatutupad ang paghihiwalay sa mga nabubulok at di-nabubulok na basura at pagtatalaga ng mga Material Recovery Facility sa mga barangay.

Isa itong pagpapakita na sa Guimba Kong Mahal, Bayan at Mamamayan, may Disiplina!

#BayangMayDisiplina 👌
#SulongGuimbaKongMahal 💚