Barangay BanitanBantayog ng Guimba sa dulo ng hilaga-kanlurang bahagi ng ating bayan.

Barangay na patuloy na nagsisilbing border control and watchpoint sa panahon ng covid.

Pagpasok ng Banitan mula Masalasa sa bayan ng Victoria Tarlac hanggang dulo bago umabot sa Brgy Bantug ay nagtayo sila ng labindalawang (12) monopole solar light na tumatanglaw sa kanilang mga kabarangay at mga nagdaraang motorista sa buong kahabaan ng national road. Tanglaw para sa seguridad ng mga residente ng Banitan lalo na sa mga madidilim na lugar at tulong naman sa mga motoristang dumadaan upang makaiwas sa disgrasya.

At kung kayo ay mapapadaan sa kanilang landmark na I♥️Banitan siguradong mapapa selfie at groufie kayo bilang souvenir na minsan kayo ay dumaan sa kanilang barangay ang barangay na nagsisilbing border checkpoint sa buong panahon ng pandemya.

#KulturaAtKalikasan
#KomunidadLabanSaCovid
#GuimbaKongMahal