Balik Guimba program umaalalay para sa matiwasay na pagdating ng ating mga kababayan.

Sa utos ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon naglagay na ng lugar para maging receiving point at nagtalaga na ng mga tao para magproseso sa pagtanggap sa ating mga nagsisidating na kababayan.

Ginawang kumbinyente ito para kahit paano ay makapagpahinga ng kaunti ang ating mga OFW at LSI habang hinihintay nila ang kanilang mga kaanak.

Mangyari po na bago dumating ang inyong kaanak na OFW ay makipag ugnayan po kayo sa PESO Guimba para sa maayos na proseso at maalalayan na din po kayo ng ating pamahalaang lokal.

Maligayang pagbabalik mamamayan ng Guimba.

#WeHealAsOne
#SamaSamatulongTulong
#GuimbaKongMahal