Para sa kaalaman ng lahat.
Sa mga nagtatanong kung bakit wala pang txt o abiso sa mga A4 na nakapag online registration.
Ang bawat nagpaparehistro po ay automatic na mapupunta sa listahan at mayroon itong corresponding o kaukulang numero kung saan ito ang inyong magiging pila at hindi po ito pwedeng baguhin sa pagkakasunod sunod upang maging patas sa lahat. Mangyari po na hintayin lamang ang txt sa inyo kung malapit na ang inyong schedule at pumunta sa petsang naiabiso sa inyo. Tandaan na ang pila ay katumbas ng disiplina.
Kooperasyon ng bawat isa ang aming hinihiling at sinisikap ng pamahalaan na maabot natin ang 70% community herd protection. Tayo ay nakadepende pa din sa ibinababang bakuna sa ating bayan.
Ingat po mga kababayan.