Kahit pandemya tuloy ang pagdudugtong at pagsisiguro ng buhay.

Bakuna panlaban sa mga sakit nakalarga na at sa unang araw ilang barangay agad ang naabot ng ating health team mula sa RHU 1,2 at 3 na pinangungunahan ng ating mga doktor, nurse, midwife, DOH staff, BNS at mga BHW.

Ito ang serbisyong hatid ng inyong munisipyo sa pamamahala ng ating Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon. Hindi ikinokompromiso ang kapakanan ng mamamayan. Nagsusulong ng proteksyon para sa ating mga sanggol at mga batang edad zero hanggang 59 months o kulang limang taong gulang. Panlaban ng mga bata laban sa sakit habang tayo ay nakikibaka sa pandemya.

Sa bakuna tsikiting mo ay ligtas!!
Para sa mamamayan at bayan
#GuimbaKongMahal