Programa ng LGU GUIMBA sa pagsisikhay ng ating Mayor Jose ‘Boyongboyong’ Dizon sa coordination at suporta ng TESDA at TOPLINK at buong pusong pinursige ng ating CTEC/PESO Guimba.

Ipinamahagi sa dalawamput isang benepisyaryo ang isang Welding shield, isang portable welding machine at isang portable angle grinder.

Layunin ng ating Ama ng Bayan sa pamamagitan ng ating PESO Manager Honey Grace Sarte na mabigyan ng kaalaman at kagamitang makatutulong sa paghahanap buhay ng ating mga kababayan. Ito ay kabilang sa Jobs Generation program ng munisipyo para sa mamamayan ng ating bayan.

#GuimbaKongMahal