Walang kapagurang paghahanap ng programa para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Guimba.
Inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at masikhay na pagganap ni MSWDO Lina Garampil at PDAO head Larilyn Leobrera ang libreng Prosthesis o artificial na paa upang matulungan natin ang ating mga kababayang PWD na maibalik ang kanilang kumpiyansa sa sarili at maibangon muli ang kanilang hanapbuhay sa kanilang natatanging paraan.
Sinukat na ang mga paa ng ating mga benepisyaryo upang malagyan ng artipisyal na kapalit at makapagsimulang muli sa kanilang pakikibaka sa buhay.
Layon ng ating pamahalaan na maibigay ang pantay na oportunidad at karapatan sa ating mga kababayang may kapansanan.
Dahil tayo ay Bayang may Malasakit at Disiplinado kayat ang progreso sigurado.