Inilabas na ng region 3 Kagawaran ng Pagsasaka ang resulta ng blood testing kung saan nagpositibo ang Barangay Bunol at Barangay San Rafael.

Ang biglaang pagsulpot ng ASF sa ating bayan ay nagdulot ng matinding dagok sa ating lokal na hograiser. Mabilis at mahirap kontrolin ang pagkalat nito.

Ang 1-7-10 protocol ay isang pamamaran upang mabigyan ng agarang aksyon ang pagkalat ng sakit at hindi maisasakatuparan ang layuning pigilan kung walang kooperasyon ang lahat. Kailangan nating magkaisa upang maisalba pa ang mga natitirang baboy na hindi pa nagkakasakit.

Ayon sa 1-7-10 protocol:

  1. Mula sa Ground Zero (eksaktong lokasyon ng nagpositibong farm o backyard) hanggang isang (1) kilometro paikot ay hindi na maaaring ilipat o katayin. Hindi din pwedeng magpasok ng baboy sa loob ng Ground Zero to 1 kilometer. Ang lahat ng baboy na nasa loob ng 1 kilometer ay papaloob sa depopulation.
  2. Sa 1 to 7 kilometers paikot naman ay oobserbahan, hindi papayagang mailipat at kukuhanan ng blood samples.
  3. Sa 7 to 10 kilometers naman ay mandatory monitoring.

Pinapayuhan ang lahat na maging kalmante habang isinasagawa ang quarantine. Layunin ng quarantine na mapigil ang pagkalat ng sakit sa baboy at maisalba pa ang mga natitirang hindi pa apektado.
Ginagawa po ng pamahalaang lokal ang lahat upang makaalalay sa kalagayan ng ating mga backyard hograiser.
Kasama po sa paglilibot sa nasabing dalawang barangay ang maglilista naman sa mga buhay pa upang magkaroon ng record at maisumite sa kagawaran ng pagsasaka. Ito ang kanilang magiging basehan kung may ayuda mang ipagkakaloob ang National na pamahalaan.

Nagpulong na din ang task force kasama ang kinatawan ng mga hog raisers upang pag usapan ang isasagawang quarantine.

Ang LGU Guimba ay hinihimok ang pagkakaisa ng lahat upang maging bahagi sa paglutas ng ating kinakaharap na mga problema.

#MunicipalityofGuimba
#GuimbaKongMahal