Sa pagtatapos ng kanilang Basic Hair Cutting/Styling nitong byernes petsa November 26, 2021, apat napu ang nabiyayaan ng hair styling starter kits na maaari na nilang gamitin upang makapagsimula ng makapag gupit o makapag hanap buhay.
Dinaluhan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at representsyon ng pakikiisa mula sa Team GKM Johnny Estabillo, Diane Beltran at Carlo Dizon ang simpleng hand over ng mga kagamitan sa apat napung benepisyaryo ng ating programa.
Sa pangunguna ni PESO Manager Honey Wy Sarte, matagumpay na naisakatuparan ang layunin ng proyekto na maturuan ang 40 na lumahok mula sa PDAO, Guimba Gay Association at Kababaihan. Nabiyayaan din sila ng panimulang gamit (starter kits).
Ito ay bahagi ng Jobs and Livelihood generation program ng ating Mayor na simulat simula pa lamang ay lumilikha na ng mga trabaho at pagkakakitaan ng ating mga kababayan. Patuloy na magsisikhay upang maihatid sa mamamayan ang mga tulong na maaaring maibigay ng ating pamahalaang lokal.