Mass antigen sa pamilihang bayan
Ano nga ba ang kahalagahan nito?

Ang swab antigen ay isang pamamaraan upang mabilis na malaman kung sino sino ang maaari o may posibilidad na Covid carrier. Matutulungan nito ang ating mga kababayan na maiiwas ang kanilang mga mahal sa buhay kung sila ay carrier at matutulungan nito ang pamahalaang lokal na ma contain ang pagkalat ng sakit. Mabilis na malalaman ang resulta maagap na mapipigilan ang pagdami ng covid sa ating bayan.

Salamat po Governor Oyie Umali sa inyong lubos at walang kapagurang pagsuporta sa bayan ng Guimba. Inaasahan po namin ang pagbabalik ng “Antigen on Wheels” sapagkat marami pa kaming mga kababayan sa palengke ang kinakailangan pa pong masuri.

Pagsusumikap ng ating Ama ng Bayan Mayor Boyong Boyong Dizon na ma control ang pagdami ng mga kaso ng covid sa ating bayan. Lubhang napakahirap para sa munisipyo na pigilan ang pagdami ng positibong kaso dahil bukas na ang bawat bayan at paroot parito na ang ating mga kababayan sa mga lugar na kritikal. Kinakailangan ang kooperasyon ng bawat mamamayan ng Guimba upang ang Covid ay ating mapaglabanan.

Sa mahigit dalawang daan na nasuri
Dalawa dito ang nagpositibo at ang mga ito ay isang vendor at isang tanod ng Sta Veronica. Sila ay ipapaloob sa Swab RT PCR test upang makita kung sila ay carrier ng virus na Covid 19. Sinabihan na silang magkwarantina at imomonitor na ng mga bhw at rhu.

Hindi titigil ang ating Mayor hanggat hindi natin nakakamit ng dire diretso ang ZERO COVID na estado sa ating bayan.

#LabanNgLahat
#LabanGuimbanians
#GovOyieUmali
#SerbisyongMayMalasakit
#SerbisyongDizon