Kamakailan ay namahagi ng mga computers ang ating Mayor upang may magamit ang mga FIAs na sumeserbisyo sa ating bayan at mamamayang magsasaka. Kasama ito sa tulong ng ating Punong Bayan na mapalakas ang kakayahan at posisyon ng ating lokal na agrikultura para na din sa kapakinabangan ng ating mga farmers.

Esensyal ang patubig para sa pagsasaka at anumang kayang maibigay na tulong ng ating Mayor bilang pagtanaw na ang makikinabang dito ay ang ating mga magsasaka ay kanyang pinaghihirapang ibinibigay. Aniya “lubhang nahihirapan ang ating mga farmers kung kayat nararapat lamang na humanap tayo ng mga paraan upang sila ay matulungan direkta man o hindi direktang pag-asiste at pagtugon sa pangangailangan”

#NagsusulongNgKarapatanNgMagsasaka
#GuimbaKongMahal