Ang pamunuan ng BFP sa ilalim ng patnubay ni MFM SFO4 Roberto Lopez ay nagsagawa ng pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa programa ng DOH na kilala sa tawag na BIDA SOLUTION kontra COVID.

Sa mga ganitong gawain ay lubos na naipapaunawa sa taong bayan ang kahalagahan ng disiplina sa sarili upang masunod ang mga safety protocols na itinakda ng IATF ayon sa rekomendasyon ng DOH.

Sa laban kontra COVID ang pakikiisa at pagtalima sa batas ang siyang mabisang lunas.

BIDA SOLUTION kabayan, sapagkat sa Guimba Kong Mahal, Bayan at Mamamayan may Disiplina 👌

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal