Mas pinalawig na kakayahang serbisyong pangkalusugan sa Guimba Kong Mahal.

Dalawang bagong ambulansya ang pinundar ng Pamahalaang Bayan upang mapalawig at mapalakas ang suportang pangkalusugan para sa mga mamamayan.

Ngayon ay mayroon nang Tig isang karagdagang ambulance unit ang RHU at GCH na magagamit para sa mabilis at agarang pagbibigay ng serbisyong medikal para sa ating mga kababayan na mangangailangan sa panahon ng kagipitan.

Ang ama ng Bayan ay hindi tumitigil sa kanyang pagsisikap na matugunan ang bawat hinaing ng kanyang mga nasasakupan, sapagkat higit sa alinmang bagay, kapakanan ng mga mamamayan ang kanyang prayoridad.

#kalusuganNgMamamayan
#SerbisyongMayMalasakit
#GuimbaKongMahal