Ganito tayo sa Guimba
Pinaguusapan ang lahat at may boses ang bawat isa.
Lahat ng usapin ay inihahapag para sa kaalaman ng mga nagsisidalo. Bukas sa talakayan at transparent.
Pagpupulong ng Local Health Board at IATF Guimba dinaluhan ng Guimba East and West school district supervisors, mga doctor at nurses ng RHU, doctor ng GCH, Presidente ng ABC, mga department heads, PNP, private district hospital head, representante mula sa Civil Society Organizations, Mayor Jose R. Dizon at dating Mayor Boyito Dizon, Provincial DOH at iba pa.
Tinalakay ang mga usapin sa status ng covid fight sa Guimba, mga kailangang bilhing kagamitan sapagkat nauubos ang ating supplies maging ang mga food packs para sa nakakwarantina, mga hakbang para sa prevention isolation monitoring at treatment, pagsasaliksik kung anu ano pa ang mga kailangang improvement para sa serbisyong medikal, pagtatasa sa mga experiences measures at strategies patungkol sa pagpigil na kumalat ang virus, update mula sa DOH patungkol sa bakuna at paghahain ng concern ng ating Mayor sa mabagal at kakaunting dumarating na bakuna, mga bagong requirements ng DOH hinggil sa paghahanda para sa worst senaryo, at maraming pang usapin.
Binibigyang laya ang bawat isa na magpanukala ng solusyon at dinidesisyunan ng lahat bilang collegial body. Ganito ang balangkas ng pamamahala ng ating Mayor. Hindi one sided
Hindi diktadurya
May paggalang sa bawat dumalo at may respeto sa kanilang pahayag at panukala.
Nagsusulong ng participatory governance
Nagsusulong ng maunlad na Guimba mula sa mamamayan para sa ating mga kababayan.