Nais naming ipagbigay alam sa lahat.

Ang mga nakolektang swab specimen simula August 24 hanggang sa kasalukuyan ay may mga pending pa na resulta sanhi ng paglimita ng Jose B. Lingad Molecular and Diagnostic Pathology Laboratory dahil sa kanilang mga personnel na naka kwarantina.

Nagpalabas ng isang advisory ang nabanggit na laboratoryo kung saan nililimitahan nila sa 50% ang bilang ng mga tatanggapin nila at ibinaba ang oras ng pagtanggap. Tinatayang magkakaroon din ng mga pending na resulta ang ganitong kalagayan ng nasabing lab.

Malaking hadlang sa gawaing pagpigil sa pagkalat ng virus ang antalang dulot ng mga pending na resulta. Ang RT PCR test result ang sya nating batayan sa paghihiwalay ng mga positibo at negatibo at sa mabilis na resulta ay mabilis din nating napipigilan na kumalat ang virus.

Bilang contingency measure, ang mga na swab antigen na nagpositibo ay diretsong magku kwarantina sa loob ng labing apat na araw habang tayo ay naghihintay sa resulta ng mga ipinapadalang swab RT PCR specimen. Ang mga naka kwarantinang swab antigen positive ay dapat na nakahiwalay (isolated) katulad ng RT PCR positive o covid positive ng sa gayon ay mapigilan natin ang pagkalat ng virus kahit na wala pang confirmatory test (RT PCR) result. Magkakaroon din ng long schedule ng swab testing dahil sa 50% o kalahati lamang ang kanilang tatanggapin at ang kalahati ay sa kasunod na araw naman dadalhin.

Kooperasyon ng lahat ay kinakailangan upang ating mapagtagumpayan ang laban na ito higit pa at tayo ay nakakaranas ng mga ganitong balakid sa gawaing pagpigil sa corona virus.