Mananatiling suspendido ang National ID registration hanggang sa lunes petsa June 21, 2021 matapos na magpositibo ang isang kawani ng lokal na pamahalaan na destinado sa gusaling ginagamit ng PSA Philsys National registration. Ang extension ng suspension ay isang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Nagsumite na ng kanilang action plan ang Philsys upang maging organisado ang kanilang sistema o pamamaraan. Kinakailangan din na may suot silang face mask at face shield sa lahat ng oras na sila ay nakaharap sa mamamayan.